Wednesday, October 12, 2011

                Nakabulagta  na si Lancelot sa lupa at nakaturok na ang espada nito sa kanyang sarili at duguan  na nang dumating ang puwersa nila Eris upang tulungan siya at nagawang  maitaboy nga nila Eris ang mga kalaban.
                “Panginoon… panginoon, bakit mo ko pinabayaan”, bulong niya habang naghihingalo. Nang mapapikit siya at sandaling nawalan ng ulirat ay nakita niya ang kanyang sarili na nakabulagta sa kawalan at may mga narinig siyang mga tinig na mga nagtatawanan at maya-maya pa ay may nakita siyang mga tao na nasa paligid niya nagbubulungan at nagtatawanan at may nagsalita, “iyan ba ang isinugo ng diyos… nasaan na ang sinasabi niyang diyos.”

Nang dahan- dahang mawala na ang mga nagbubulungan ay biglang may  

click here: want to
earn money?
 
 papalapit sa nakabulagtang katawan, isang may mataas na uri ng baluting pandigma. Binuhat ng nakabaluti ng kanyang dalawang kamay ang katawan. “Maaaring nagawang makuha  nila ang iyong katawan, ngunit mananatiling buhay ang iyong kaluluwa’t dugo sa ating pakikipaglaban… tama na ang dusa ng iyong katawan anak… halina’t pumunta na tayo sa piling ng ating panginoon”, sinasabi niya ito habang buhat ang katawan at naglalakad papalayo.
click here:
take a
coffee break,
 take some
 healthy coffee

                Nang maramdaman ito ni Deborah ay pilit siyang lumapit, “wag kang susuko… di pa tapos ang iyong misyon. Dahil sa wala siyang makita ay kinapa niya si Lancelot at pilit na hinahanap ang nakaturok na espada. Nang mahawakan na niya ang talim ay hinahanap na nito pataas ang hawakan at ang kanyang mga palad ay nagdudugo. Nang matanggal na niya ang espada, itinapat ni Deborah ang kanang palad sa pinagturukan at nanalangin pagalingin at siya’y nagsimulang lumuha, “panginoon iligtas  niyo ang iyong alagad”. Maya-maya ay nagsalita si Lancelot “salamat…”, nabitawan niya ang kamay ni Deborah at , bumulong, “patawad panginoon…”.
click here:
suffering
from
cancer,
diabetis,
high blood
and other
ailments?
click here: suffering from cancer, diabetis, high blood and other ailments?
                Nang magawang malipol na ang mga kalaban sa lugar at makitang akay na ng kanang kamay ni Deborah ang ulo ni Lancelot at ang kaliwang palad ay patuloy na hawak ang duguang dibdib ni Lancelot at patuloy na lumuluha habang itinutuon nito ang buong lakas sa panalangin ay lumapit si Eris at sinabi habang nakatayo, “hindi pa siya patay dahil ako’y siya at siya’y ako at ang dugo niya’y patuloy na mananalaytay sa ating pakikipaglaban.



No comments:

Post a Comment